8:30 pm
Ngayon lang lubusang nagsisink-in sa akin ang naging desisyon ko na sumama sa kanila papuntang ibang bansa.
Dati naeexcite akong umalis. Pero nitong mga nakaraang araw, unti unti na kong natatakot, at higit sa lahat sobrang nalulungkot.
Ganito pala ang pakiramdam nun. Isipin ko pa lang na ilang linggo, ilang buwan o ilang taon pa bago makita ulit ang mga kaibigan ko, naiiyak at sobrang nalulungkot na ko. Oo, umiiyak ako ngayon. Sasabog na ung lacrimal gland ko oh. Nagsosolo ako sa kwarto baka sabihin nila mukha akong timang. Ehh kasi naman sobrang malapit sila dito ♥.
SOBRA SOBRA TALAGA. :(((( Tsaka nasa Intimacy VS Isolation kaya ako ni Erik Erikson's Stages of Development. Base dito affiliation at love ang strengths ko ngayon. Sa kanila ako kumukuha ng lakas. Eh paano na ngayon? BV talaga.
Pamilya na tingin ko sa mga yun e. Andito yung dalawang itinuturing kong best friends ko. Andito closefriends ko. Andito lahat sila. :|| Shiz. Sorry for the foul word. Hindi ko lang mapigilan sarili ko. Hindi ko lang talaga alam kung paano maglabas ng emotions ngayon. Sorry na. Pagbigyan na ko. Tsaka konti o wala pa naman atang nakakabasa nitong blog na ito sa ngayon.
Sabi nung iba, lalong lalo na nung swimming nung Wednesday, iiyak na. iiyak na. Sabi ko naman, "Hindi kaya. Malakas ako e." Hindi lang nila alam na kaya ako nakayuko sa salbabida at madalas na sumisisid sa pool eh dahil tumutulo na luha ko. Ayoko lang na ipakita yun sa kanila. :||
10:00 na. Hay. Ang haba na. At antagal ko ng nasa harap nitong computer. Sabihin niyo na nagdradrama lang ako, pero hinding hindi ninyo maiintindihan yung nararamdaman ko hangga't wala kayo sa katayuan ko ngayon. Alam ko may facebook, twitter at email naman. Pero...pero... iba pa rin kasi talaga. Ah basta. Pagpasensiyahan na. kinakailngan ko lang ilabas ito. :(
Meron pa kong dapat itext na mga tao. Hindi ko pa sila napapasalamatan. :( Ang hirap kasi. :(( Ang hirap sa kalooban magpaalam. :||
Kung pwede lang. Kung pwede lang na huwag muna kong umalis. Pwede bang next year na lang? :( (
Gusto ko na meron makaimbento ng time machine. Kung sino ka man, bilisan mo na.
Pat. :( Paulit-ulit ko na sigurong sasabihin to, pero sobrang mamimiss kita. Sobrang kinasama ng loob ko na wala ako sa party bago ka umalis. :( ILY seatmate, :*
ReplyDeleteOkay lang talaga dianne. :> May future plans pa naman eh. :) love you too, seatmate. :D
ReplyDeleteAww..Patrice. Ngayon ko lang nahanap blog mo. Wag ka mag-alala, you are missed. >:D<
ReplyDeleteThanks, Alyzza. :> Yea. Palipat liapt ako ng blog eh. :)) But i'll try to stick to blogspot. :>
ReplyDelete